GOOD HEALTH AND WELL BEING SDG 1 - GOOD HEALTH AND WELL BEING

UDD STUDENT LEADERS HONOR DAGUPAN DRIVERS THROUGH RELIEF AND MEDICAL MISSION ON ARAW NG KAGITINGAN

By UdD Staff
Apr 8, 2026
Share
UDD Student Leaders Honor Dagupan Drivers Through Relief and Medical Mission on Araw ng Kagitingan

Sa paggunita sa "๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป," ang ating mga student leaders ng Universidad de Dagupan ay nag bahagi ng kanilang suporta para sa ating mga Hari ng Kalsada sa Lungsod ng Dagupan ng relief kitsโ€”isang munting handog ng pasasalamat sa kanilang walang sawang serbisyo sa araw-araw. Bukod dito, nagsagawa rin ng isang medical mission kung saan nagbigay ng libreng gamot, nagsagawa ng blood pressure monitoring, at iba pang serbisyong pangkalusugan upang masiguro ang kanilang kalagayan at kapakanan.

Ang inisyatibong ito ay isinagawa kasama ang founder ng Universidad de Dagupan, Dr. Voltaire P. Arzadon, Supreme Student Council, Adviser Maโ€™am May Jacklyn R. Samson at ang University President, Dr. Feliza Arzadon-Sua. At taos-pusong pasasalamat sa lahat ng UDD Administration para sa kanilang walang sawang suporta. Sa makabuluhang pagdiriwang na ito, ating kinikilala na ang kagitingan ay hindi lamang nakaukit sa mga pahina ng kasaysayan, kundi buhay rin sa araw-araw na pagsusumikap ng ating mga makabagong bayaniโ€”mga drayber na patuloy na humaharap sa hamon ng kalsada nang may katatagan, pasensya, at buong pusong dedikasyon.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muli tayong pinaaalalahanan na ang tunay na tapang ay naipapakita sa mga gawa ng malasakit, paglilingkod, at paninindigan para sa kapwa. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating kilalanin at suportahan ang mga taong tahimik ngunit mahalagang nagpapatakbo sa ating mga komunidad.